Bayanihan to Recover as One Act (BARO)


FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

  • Ano ang Bayanihan to Recover as One Act (BARO)?

    • Ang Bayanihan to Recover as One Act o BARO ay naglalayong magbigay ng option sa mga eligible na kliyente ng mga bangko at iba pang financial institutions ng isang beses na sixty (60) days o dalawang (2) buwan na grace period sa loan payments. Walang charges tulad ng interest on interest, penalties, late fees, at iba pang charges na ipapataw sa iyong account kung late o pansamantalang ii-skip mo ang payment sa iyong loan.

  • Maaari ba akong mag-avail ng grace period?

    • Kung ikaw ay kliyente ng Cebuana Lhuillier Bank at mayroon kang Salary Loan (ESL), Auto, Housing, Teacher’s loan, MSME (Micro Finance or SME loan) o Assignment of Recievables (AOR) at mayroon ka pang loan payment sa September 15, 2020 hanggang December 31, 2020 at nasa CURRENT status o hindi past due ang iyong loan account bago ang September 15, 2020, maaari kang mag-avail ng sixty (60)-day grace period.

  • Kinoconsider kong iavail ang grace period. Ano ang mangyayari kung iaavail ko ang option na ito?

    • Kung ikaw ay kliyente ng Cebuana Lhuillier Bank at mayroon kang Salary Loan (ESL), Auto, Housing, Teacher’s loan, MSME (Micro Finance or SME loan) o Assignment of Recievables (AOR) at mayroon ka pang loan payment sa September 15, 2020 hanggang December 31, 2020 at nasa CURRENT status o hindi past due ang iyong loan account bago ang September 15, 2020, maaari kang mag-avail ng sixty (60)-day grace period.

    • Ang iyong loan term ay mauurong ng 60 araw o 2 buwan at ang maturity date ng iyong loan account ay mauurong din ng 2 buwan.

    • Subalit, kinakailangan mong magbayad ng accrued interest na equivalent to sixty (60) days o dalawang (2) buwan sa iyong new due date matapos ang application ng nasabing grace period.

  • Nais ko pa din ipagpatuloy ang loan payment ko sa darating na mga buwan at hindi ko iaavail ang grace period. Ano ang mangyayari kung pipiliin ko ang option na ito?

    • Maaari mo pa rin ipagpatuloy ang pagbabayad ng iyong loan bago o sa itinakdang due date mo.

    • Walang accrued interest na madadagdag sa iyong loan account.

    • Ang iyong loan term at maturity date ay hindi mababago.

  • Ano ang Accrued Interest?

    • Ang accrued interest ay ang naipong interest sa iyong principal loan amount ngunit hindi mo pa nababayaran mula noong last payment.

    Sample Illustration:

    Principal Loan Amount (P) PHP10,000.00
    Monthly Interest (I) PHP2,000.00
    Regular Monthly Amortization (P + I) PHP12,000.00

    Sample Computation:

    Monthly Interest (October 20) PHP2,000.00
    PLUS
    Monthly Interest (November 20) PHP2,000.00
    Total Accrued Interest to be paid PHP4,000.00

    Note: Accrued interest should be paid until the last banking day of December 2020.

    Kung ii-skip mo ang iyong loan payment, ang monthly interest na nagkakahalagang PHP4,000.00 ay maiipon sa loob ng 2 buwan (PHP2,000.00 interest x 2 buwan). Pagkatapos ng sixty (60)-day grace period, ang iyong babayaran sa December 20, 2020 o sa iyong susunod na due date ay PHP12,000.00 PLUS accrued interest of PHP4,000.00. Ang total amount ay PHP16,000.00.

  • Paano ko maa-avail ang grace period?

    • Kung ikaw ay eligible client, makakatanggap ka ng SMS notification.

    • Para iavail, itext ang YES < space> CLIENT NAME < space> ACCOUNT TYPE (ESL, HOME, AUTO, MICRO, TEACHER, SME, AOR) at isend sa 0999-885-4287.
    • Example: YES JUAN DELA CRUZ ESL

    • Kung HINDI iaavail, itext ang NO < space> CLIENT NAME < space> ACCOUNT TYPE (ESL, HOME, AUTO, MICRO, TEACHER, SME, AOR) at isend sa 0999-885-4287.
    • Example: NO JUAN DELA CRUZ ESL

    • Maaari ka rin mag-email kalakip ang mga sumusunod na detalye. Ang subject ay: CLBBARO AVAILMENT < LOAN TYPE> at isend sa clrbsales&[email protected]
      • NAME OF CLIENT
      • LOAN ACCOUNT TYPE
      • PN NUMBER
      • MOBILE NUMBER
      Example:
      • Subject: CLBBARO AVAILMENTT
      • Name: Juan Dela Cruz
      • Loan Account Type: HOME
      • PN Number: 00xxxxxxxxxxxx
      • Mobile Number: 0919-xxx-xxxx

    Note: If we don’t receive any advise from you, ang grace period sa iyong loan account will be APPLIED at and ACCRUED INTEREST ay kailangang bayaran matapos ang application ng grace period.

  • Maaari ba akong magrequest ng higit sa 60 araw na grace period?

    • Para matulungan ka namin Ka-Cebuana, tumawag lamang sa Tel No. (02) 8542-8272, maaari ka din tumawag o magtext sa Smart/TNT/Sun: 0908-968-4018, Globe/ TM: 0977-467-0214 o magsend ng email sa clrbsales&[email protected]

  • Maaari ba akong magrequest ng mas mahabang palugit para isettle ang accrued interest?

  • Para sa karagdagang impormasyon, iclick lang link na ito: http://www.bsp.gov.ph/downloads/regulations/attachments/2020/m074.pdf