Ano ang difference ng eWallet sa Savings Account ng eCebuana App?


Ang eCebuana app ay may dalawang pangunahing features: ang eWallet at ang savings account.

Ang eWallet ay kadalasang ginagamit para sa mga online payments at paglipat ng pondo sa ibang users. Ito ay non-interest bearing at may dalawang uri—basic at regular wallet—na may kanya-kanyang limitasyon depende sa level ng verification.


Samantala, ang savings account ay isang interest-bearing account na maaaring ma-unlock kapag dumaan ang user sa masusing proseso ng identity verification. Ito ay mainam gamitin para sa pag-iipon.