Bakit hindi ako makapagregister sa eCebuana App?

Kung hindi ka makapag-register sa eCebuana app, i-check ang mga sumusunod:

  1. Internet connection

  2. Siguraduhing may malakas kang internet. Subukang kumonekta sa Wi-Fi o gumamit ng stable na mobile data.


  3. Mali ang input ng mobile number

  4. I-double check kung tama ang pagkaka-type ng iyong mobile number.


  5. Hindi registered ang sim card

  6. Siguraduhing rehistrado na ang iyong SIM card ayon sa SIM Registration Act.


  7. Expired ang 24K card

  8. May expiration ang 24K card — makikita ito sa harap ng card. Kung expired na, pumunta sa pinakamalapit na Cebuana branch para mapalitan.


  9. Mali ang input ng 24K card

  10. Siguraduhing tama ang 16-digit number na inilagay — ito ay makikita sa harap ng iyong 24K card.


  11. Hindi match ang date of birth

  12. Kung may existing 24K account ka, tiyaking ang date of birth na inilalagay mo sa eCebuana app ay kapareho ng nasa branch records. Kung hindi tumutugma, mag-update sa pinakamalapit na branch.


  13. Ikaw ay nagpaparegister abroad

  14. Available lamang ang eCebuana App 3.0 sa loob ng Pilipinas. Hindi ito maa-access sa ibang bansa.


  15. Expired na ang ID na iyong nasubmit

  16. Siguraduhing valid at hindi expired ang ID na iyong isinusumite para maiwasan ang verification issues.